Wa’ ‘wenta sa drug war.. Leni, sinibak ni Digong
- Mylene Alfonso
- Nov 25, 2019
- 1 min read

Sinibak na ni pangulong Rodrigo Duterte si Vice- President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) matapos ang higit dalawang linggo na panunungkulan nito.
Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Bago ang kumpirmasyon, humingi ng paumanhin ang pangulo sa pag-aakala na inimbitahan ni Robredo ang United Nations prosecutors sa bansa.
Matatandaang, November 5, tinanggap ni Robredo ang pagtatalaga sa kanya ni Pangulong Duterte na maging ICAD co-chair.
Kaugnay nito, sinabi ng pangulo na wala siyang tiwala kay Robredo na hawakan ang classified information sa war on drugs.
Nakukulangan din ang pangulo sa performance ni Robredo dahil hanggang ngayon umano ay wala naman itong nailalatag na kongkretong hakbang kung paano lalabanan ang problema sa illegal drugs.





Comments