top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Trike sinalpok, tumilapon.. Kelot nagulungan ng trak, lasog

  • V. Reyes
  • Nov 25, 2019
  • 1 min read

Patay ang isang lalaki makaraang mahulog sa traysikel saka nagulungan ng trak sa Isabela, kamakalawa.

Nakaladkad ang katawan at nagulungan pa ng dumptruck ang biktimang si Jordan Langdon sa bayan ng Reina Mercedes sa nasabing lalawigan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakasakay sa likod ng traysikel si Langdon nang mabangga ang kanilang sasakyan ng dumptruck na nawalan umano ng preno.

Nahulog si Langdon at sa lakas ng pagkabangga ay nakaladkad at nagulungan ito ng trak dahilan para magkalasug-lasog at magkahiwa-hiwalay ang kanyang katawan.

Dinala sa ospital ang iba pang nasugatan sa nangyari habang sumuko sa mga awtoridad ang drayber ng dumptruck na nahaharap sa kaukulang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page