Pasig at Zamboanga, nanggulat; Kyusi nakarekober vs. Pampanga
- MC / Alvin Olivar
- Nov 25, 2019
- 1 min read

Photo: Maharlika Pilipinas Basketball League
Binomba ng Pasig Sta. Lucia Realtors ang Muntinlupa Cagers sa kalamangan na 98-78 na panalo noong Biyernes at lumilinaw ang tsansa sa playoffs sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season sa Pasig Sports Center.
Nanguna sin Robbie Manalang at Leo Najorda sa pagsalpak ng tig-anim na tres nang magpaulan ng 33 puntos laban sa Cagers. Tumapos si Manalang na may 22 puntos habang si Najorda ay may 17 puntos, may tatlong tres sa 4th quarter habang nakabatak ang Realtors ng 98-71 score sa pag-akyat ng team sa 14-8 slate ng North Division.
Ang iba pang bumida para sa Realtors na pinayuko ang Cagers sa 5-17 panalo talo na kartada ay sina Josan Nimes na may 20 points at 7 rebound at Jeric Teng na may 15 points, 8 rebounds at 8 assists.
Sa magkalabang business rival, pinitpit ng lata ng Zamboanga Family Sardines ang Navotas UniPak, 80-65 habang ipinakita ng Quezon City Capitals ang bangis upang tigpasin ang Pampanga Lanterns, 81-75.
Sa lakas nina Alvin Pasaol sa 21 puntos at Anton Asistio sa 20 kabilang na ang 4 na tres, isinelyo ng Zamboanga ang 80-60 bago naisalpak ng Navotas ang huling 5 puntos. Umibayo ang Zamboanga sa 13-10 panalo-talo at nasa 7th spot ng South division habang lagpak ang Navotas sa 5-16 sa North.
Sumadsad ang Giant Lanterns sa 13-9 sa kabila ng 18 points, 12 rebounds ni Dexter Maiquez at 17 points ni Levi Hernandez.





Comments