top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Lalampasan ng taekwondo ang 2 gold, 3 silver sa SEAG

  • Gerard Arce
  • Nov 25, 2019
  • 1 min read

Puntirya ng koponan ng Philippine national taekwondo na mahigitan pa ang nakamit nitong produksyon noong nakalipas na Southeast Asian Games na naghahanda ng husto para sa nalalapit na biennial meet sa bansa simula Nob. 30-Dis 11.

Target ng taekwondo jins na malampasan ang 2 gold, 3 silver at 4 bronze na kabuuang naibulsa sa 2017 Malaysian meet at maiangat ito sa 5 gold medals, ayon sa pamunuan ng Philippine Taekwondo Association. Kumpiyansa ang pamunuan ng PTA na mapagtatagumpayan ng kanilang koponan ang inaasam na bilang ng gold medal sa biennial meet lalo pa’t siksik-liglig ang suporta ng ahensiya ng pampalakasan ng bansa sa kanilang mga pandaigdigang torneo.

Katunayan ay nabiyayaan ito ng training sa ibang bansa upang mas hasain pa ang kanilang paghahanda bago magbukas ang aktuwal na kompetisyon nito simula Dis. 7-9 sa Rizal Memorial Sports Complex. “I think we can win around five gold medals,” pahayag ni PTA executive officer Sung-Chon Hong sa isang website.

Muling mamumuno para sa taekwondo jins ang mga paboritong manaig sa kani-kanilang dibisyon na sina 2015 Singapore Games gold medalist Pauline Lopez, Kuala Lumpur silver medalist Elaine Alora at 2-time gold medal winner Samuel Thomas Morrison sa Kyorugi, habang ang 3-time champions na men’s Poomsae team at sina Rodolfo Reyes Jr., and Dustin Jacob at Raphael Mella gayundin sina 2nd runner-up women’s team nina Juvenile Faye Crisostomo, Rinna Babanto at Janna Oliva.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page