Gastos bago raw banatan.. SEA Games patapusin muna
- Mylene Alfonso
- Nov 25, 2019
- 1 min read

Hinikayat ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang lahat na suportahan ang ating mga atleta sa halip na magsisihan sa paggasta para tustusan ang 30th SEA Games na gaganapin sa bansa.
Ayon kay Go, chairman ng Senate Committee on Sports, higit na kailangan ngayon ng mga atletang Pinoy ang moral support para makasungkit ng maraming medalya kaysa magturuan at magsisihan na naka-demoralize sa kanila.
Ipinangako ni Go na iimbestigahan niya ang mga alingasngas tungkol sa magarbong paggasta sa SEA Games pagkatapos maidaos ang palaro.
“Kahit na piso lang ang nawala diyan sa pondo ay iimbestigahan ko, dahil iyan ay pera ng taumbayan” pahayag ni Go.
Nakiusap ang senador na patapusin na muna ang palaro para sa ating mga atleta at kapag natapos na ay doon na lamang silipin ang lahat ng nga problema.





Comments