Bolts, lumarga na sa semis

Dumiretso na sa susunod na phase ang Meralco Bolts matapos nilang kuryentihin ang Alaska Aces, 94-84 sa quarterfinals ng PBA Governor’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Kumana si import Allen Durham ng 28 points, 16 rebounds at 8 assists para akbayan ang Meralco sa panalo habang bumakas si local Allein Maliksi ng 23 markers.
Hawak ang 10 na bentahe, inalagaan ng Bolts ang lamang sa 4th para masungkit ang panalo. Maagang nagparamdam ng lakas ang Bolts, hinawakan nila ang 16-point lead, 49-33 sa unang dalawang periods.
Bahagyang uminit ang opensa ng Aces sa 3rd, naibaba nila sa 10 ang hinahabol, 63-73 papasok ng 4th quarter. Nagtala si Javee Casio ng 20 pts. para sa Alaska. Pumasok ang Road Warriors sa quarters dala ang twice-to-beat advantage.
Samantala, nais ni NLEX head coach Yeng Guiao na tapusin ang quarterfinals match laban sa NorthPort ngayong 4:30 p.m. sa Araneta Coliseum upang sumampa na sa susunod na phase.
Bagama’t tumapos ng top seed ang Road Warriors sa 12-team single round robin at tangan ang twice-to-beat advantage ay nababahala pa rin ito sa kanilang laban.
Galing sa back-to-back losses ang NLEX habang kumarga ng dalawang sunod na panalo sa elimination round ang batang Pier.
“It’s kind of worrying to me kasi we should be peaking at this point, but pababa ‘yung laro namin. I think that’s a reason to worry,” hayag ni Guiao.
Sasandalan ni Guiao ang import na si Manny Harris at locals na sina Kiefer Racena, JR Quiñahan at JP Erram para makuha ang importanteng panalo.





Comments