Alamin: Multa sa mga building na walang fire protection
Dear Chief Acosta, Magandang araw! Nais kong malaman kung ano ang kaukulang parusa kapag ang building ay walang fire protection feature tulad ng sprinkler alarms, hose boxes, hose reels o standpipe alarms at iba pa? — Jameson
Dear Jameson, Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Rule 12, Section 12.0.0.4 (B) (3) (a) ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 9514, o mas kilala bilang “Fire Code of the Philippines of 2008” kung saan nakalagay ang parusa (nakasaad sa ibaba) kung ang isang building ay walang kaukulang fire protection feature:
“3. Failure to provide the following safety construction protective and warning systems as required in Section 7, paragraph (d) of Republic Act No. 9514.
DESCRIPTION
a) Fire protection features such as sprinkler alarms hose boxes, hose reels or standpipe alarms and other firefighting equipment.”
SCHEDULE OF FINES
PhP 25,000 to PhP 37,500
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments