Tamang kaso sa mga tsismosa at mapanira
- Dr. Persida V. Rueda-Acosta
- Nov 24, 2019
- 2 min read
Bagama’t, may karapatang magsabi ng saloobin ang isang tao, hindi ibig sabihin ay may karapatan na siyang sirain ang reputasyon ng kanyang kapwa, katrabaho o kumpanyang pinaglilingkuran.
Marapat na kanyang igalang ang katahimikan ng buhay ng bawat indibidwal at kanyang pinagtatrabahuhan at maging ng kanyang pamayanan. Ang taong walang pakundangang magkalat ng mapanirang tsismis ay maaaring managot sa batas.
Upang mabigyan ng bayad-pinsala ang taong biktima ng mapanirang sabi-sabi, maaaring magamit ng nasabing biktima ang probisyon ng Civil Code of the Philippines upang makapagsampa ng kasong damages laban sa taong nagkakalat ng mapanirang tsismis.
Tunay na nakasisira sa maayos na samahan ang pagkakalat ng tsismis sa pamayanan. Marapat na ang lahat ng tao ay malaman na mahalaga ang katahimikan ng indibidwal at bigyan siya ng respeto.
Ang paninira ay malimit na sanhi ng kasiraan ng taong biktima nito. Kaya naman ang batas ay nagbibigay ng karapatan sa biktima ng mapanirang tsismis na magsampa ng kasong damages sa ilalim ng Article 26 ng Civil Code of the Philippines kung saan nakasaad na:
“Art. 26. Every person shall respect the dignity, personality, privacy and peace of mind of his neighbors and other persons. The following and similar acts, though they may not constitute a criminal offense, shall produce a cause of action for damages, prevention and other relief:
(1) Prying into the privacy of another’s residence;
(2) Meddling with or disturbing the private life or family relations of another;
(3) Intriguing to cause another to be alienated from his friends;
(4) Vexing or humiliating another on account of his religious beliefs, lowly station in life, place of birth, physical defect, or other personal condition.”
Kung ang nasabing paninira ay nailathala, maaaring magsampa ang biktima ng kasong kriminal laban sa taong gumawa ng paninira sa kanyang katauhan at ito ay kasong libel o oral defamation sa ilalim ng probisyon ng Articles 354 at 358 ng Revised Penal Code.
Sa libel, kinakailangang patunayan ng biktima na nailathala ang nasabing paninira. Ang libel ay binigyang-kahulugan bilang “public and malicious imputation of a crime, or of a vice or defect, real or imaginary, or any act, omission, condition, status or circumstance tending to cause the dishonor, discredit, or contempt of a natural or juridical person or to blacken the memory of one who is dead.”
Kapag napatunayan ang kasong libelo, ito ay may parusang “prision correccional in its minimum and medium periods or a fine ranging from P200 to P6,000”, bukod pa rito ang civil damages na maaaring hilingin ng biktima ng nasabing libelo laban sa taong gumawa nito.
Bukod sa mga nabanggit ay maaari ring magsampa ng kasong Intriguing Against Honor sa ilalim ng probisyon ng Article 364 ng Revised Penal Code kung saan isinasaad na: “The penalty of arresto menor or fine not exceeding 200 pesos shall be imposed for any intrigue which has for its principal purpose to blemish the honor or reputation of a person.”




pwede po mag tanong kung may batas tayo sa mga taong gumagala sa gabi lalo na po madaling at pwede rin po ba sila sitahin ng barangay
Attorney , pinag sabihan po ako ng pok2 DALAWANG beses pwedi ko po bang sampahan ng kaso ? At mali po yung sinabi na na Sya daw po ay pinagsabihan ko na madumi .