Sara, Isko, Leni, Bongbong, Pacquiao at Villar, labu-labo sa 2022
- Ka Ambo
- Nov 24, 2019
- 1 min read
Nilindol na rin ang Masbate at Davao Oriental.
Ayaw nang tumigil ang mga pagyanig!
◘◘◘
ANG serye ng lindol ay malinaw na epekto ng papalapit na asteroid.
Nanangkupooo!
◘◘◘
NAGPABAKUNA kontra polio ang delegasyon ng Indonesia.
Huh, baka hindi sila makatakbo sa oval?
◘◘◘
MAY malinaw nang 2 presidentiables sa panig ni P-Digong.
Ito ay sina Mayor Sara at Mayor Isko!
◘◘◘
SA oposisyon, walang duda na si VP Leni ang ikakasa.
Pero, tiyak na kakasa rin si ex-Sen. “Bongbong” sa isang umaatikabong “rematch”!
◘◘◘
KAPAG pinag-uusapan ang presidentiables, siyempre, no. 1 sa listahan si Sen. Manny Pacquiao.
Pero, palaging kasama rin sa listahan ang Senate topnotcher kaya nasa listahan din si Sen. Cynthia Villar!
◘◘◘
KARANIWANG diskarte, kapag hindi nakalusot bilang kandidatong pangulo, nasasadlak ang aspirante bilang kandidato sa pagka-bise-presidente.
Malinaw kung gayun na ang mga binanggit natin sa itaas ay ang mga pangalang pag-uusapan sa 2022 Presidential Elections!
◘◘◘
IISA ang malinaw, malabo na ang Pederalismo ni P-Digong.
Kasama itong nailibing nang yumao si dating Senador Aquilino “Nene” Pimentel, Jr.!
◘◘◘
HINDI rin maiiwasang mapasok ang isyu kung sinu-sino ang manok ng U.S. at China.
Noong 2016 election, nasilat ng manok ng China na si P-Digong ang manok ng U.S. na si Mar Roxas!
◘◘◘
KUNG sino sa mga presidentiables ang bumiyahe sa US ngayong 2020, siyang liyamado na makopo ang basbas ng U.S., siyempre, kasama ang badyet.
Ang magiging manok ng China ay madali ring matukoy.
Ito ay kung sino ang madalas tumambay sa Ongpin, next year!





Comments