Misis nakaaway, mister, nagbigti

Dedo ang 48-anyos na mister matapos magbigti makaraan ang pagtatalo nila ng kanyang misis dahil sa selos sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-arrival sa Ospital ng Malabon ang biktimang si Rey Tanabe, 48, online seller ng Bgy. Catmon.
Sa nakarating na ulat kay Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao, alas-8:30 ng gabi nang matagpuan ang biktima ng kanyang pamangkin na si Eugene Tanabe, 31, na nakabigti ng nylon belt sa loob ng kanilang bahay.
Agad pinutol ni Eugene ang nylon belt saka agad dinala ang biktima sa nasabing pagamutan.
Sa imbestigasyon nina PMSg. Julius Mabasa at PSSgt. Ernie Baroy, unang nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at kanyang asawang si Claire. Ayon sa kanilang 10-anyos na anak na babae, madalas magtalo ang kanyang mga magulang dahil sa selos.





Comments