top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mag-asawang supplier ng solvent sa mga bata, kulong

Mylene Alfonso
Nov 24, 2019
1 min read

Timbog ng mga tauhan ng Dagupan Police Community Precint ang mag-asawang supplier ng solvent sa mga batang lansangan, kamakalawa ng hatinggabi sa Tondo, Manila.

Kinilala ni PSMS Gerardo Tubera, ang mga suspek na sina Romeon Lontoc, 36, at Esperanza Lontoc, 31, kapwa ng Lakandula St., Tondo.

Ani Tubera, nagsasagawa sila ng anti-criminality campaign sa lugar nang makatanggap ng impormasyon kaugnay sa ilegal na gawain ng mag-asawa.

Nang beripikahin, nagpositibo ang sumbong kaya binitbit sa presinto ang mga suspek.

Nakumpiska sa mag-asawa ang tatlong plastic containers ng solvent, isang timba at maliit na plastic container na may lamang solvent.

Ang mag-asawa umano ang nagsu-supply at nagbebenta sa mga solvent boy sa Tondo area.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page