KDJM racing festival daragsain sa Malvar
- Ding Taboy
- Nov 24, 2019
- 2 min read

Inaasahan ngayon ang pagdagsa nang bayang karerista na manonood sa laban ng mga kalahok sa Klub Don Juan De Manila Racing Festival na paglalabanan ng mga piling mananakbo ngayon araw sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) Malvar, Batangas.
Matutunghayan ngayon ang limang malalaking pakarera ang Don Juan Derby na tatakbuhin sa distansiyang 2,000 meters, kasunod ang KDJM Golden Girl Stakes Race na may 1,800 meters distance, bibitiwan din ang KDJM Juvenile Fillies’ and Colts Stakes Race na hiwalay na tatakbo sa distansiyang 1,400 meters at KDJM –Magic Million Australia Stakes Race. Magiging panauhin si Mikey Arroyo.
Pinapaboran ang Chance the Racer, binibigyan ng panalo ang Shanghai Grey sa mga Joyous Solution, Miss Campbell at War Commander sa Don Juan Derby. Tatanggap ng papremyo ang 1st place ng P900,000 habang sa 2nd place ay may P337,500, samantalang mag-uuwi ang 3rd place ng P187,500 at pagkakalooban ng P75,000 bilang 4th place.
Ipinapatok sa KDJM Golden Girl Stakes Race ang Princess Eowyn, habang magkakalaban sa forecast ang mga kalaban na Certain To Win, Matriarchal, Sooner Time, Trust Me at Weemissjeree.
Tatanggap ng P300,000 ang mananalo habang P112,500 ang 2nd place, 3rd place ay P62,500 at mag-uuwi ng P25,000 ang 4th place. Pinapaboran sa laban ang couple entry na Sky Candy at Our Secret sa KDJM Juvenile ‘Fillies’ Stakes Race laban sa mga kalahok na Carmela’s Fury, Batang Evalom, Divine’s Success at Parokya ni Pablo kung saan nakataya ang guaranteed prize na P500,000.
Ipinapatok ang Helushka sa mga kalaban na Hidden Light, Garantisado, Divine Zazu, Ginuhit ng Tadhana, Fort Mckinley, Mini Model at Vivid Pink sa KDJM Magic Millions Australia Stakes Race na tatawid sa distansiyang 1,600 meters at may guaranteed prize na P500,000 na hahatiin sa apat.





Comments