top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kaya walang love life... Bela, aminadong 'di ubra sa mga Pinoy ang ugali

  • Ronalyn Seminiano
  • Nov 24, 2019
  • 1 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Nagsalita na si Bela Padilla about relationship. Matagal nang single ang maganda at ma­husay na aktres na bibida sa pelikulang Ma­ña­nita kaya for sure, maraming naku-curious kung ano ba ang balak ni Bela sa love life niya.

Sa ngayon ay busy at focused pa si Bela sa kanyang trabaho. Aniya, “I would be sad if ten years from now, kung hindi ko nagawa itong mga ‘to tapos napanood ko, tapos sasabihin ko sa sarili ko, ‘Sana, ako na lang, ’ so mas lalo akong malulungkot.

“Comfort zone ko na ‘to, ‘pag wala ako sa shooting, mag-iisip ako kung kailan kaya ako magkaka-shooting ulit. Nag-e-enjoy po ako ngayon masyado sa pelikula.”

Mukhang game na rin naman siyang pumasok sa relasyon pero sad to say, foreign guy yata ang type niya.

Ani Bela, “Actually, parang feeling ko nga, parang mas doon ako bagay. Kasi ‘di ba, very ano ako pati magsalita, very straightforward, opinionated, so baka naman?”

Sa ganda ni Bela, ‘di na malabong maka­tagpo siya ng guy na magmamahal sa kanya nang wagas, busy lang kasi siya sa work kaya baka hindi niya napapansin ang mga lalaking nagpa­paramdam sa kanya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page