ISIS na instructor ng Sayyaf, utas
- Jeff Tumbado
- Nov 24, 2019
- 1 min read

Photo: GMA News (left)
Napatay sa pakikipagsagupa sa militar ang Liason Officer ng ISIS sa Abu Sayyaf Group (ASG) sa Bgy. Patikul sa Sulu.
Ayon kay Lt. Col. Gerald Monfort, nakilala ang napaslang na si Talha Jumsah, ISIS trained ID expert na nagsisilbing instructor ng ASG sa paggawa ng bomba at kung paano maging suicide bomber.
Nagsisilbi rin itong finance officer at liaison officer sa Foreign and Local Terrorist Communication Lines.
Nakasagupa ng mga tauhan ng 1st Scout Ranger Regiment ang grupo ng mga terorista matapos magbigay ng impormasyon ang mga sibilyan sa lugar.
Narekober ang bangkay ni Abu Talha matapos ang clearing operations kahapon ng umaga, may 800 metro ang layo mula sa pinangyarihan ng engkuwentro.





Comments