Gold coins at susi, sign na yayaman, pero dapat mag-ingat sa mga manloloko
- Socrates Magnus
- Nov 24, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Jocelyn ng Jojo_Durias@facebook. com
Dear Professor, Palagi akong nananaginip ng gold coins at susi. Gusto kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga ito? Salamat!
Naghihintay, Jocelyn
Sa iyo Jocelyn, Ang gold coins ay isa sa mga bagay na masuwerteng mapanaginipan dahil ito ay nagsasabing malaki ang posibilidad na yumaman ang nanaginip. Ang kanyang pagyaman ay magmumula sa pagnenegosyo kung saan kikita nang marami ang nanaginip sa pamamagitan ng pakonti-konting tubo.
Dahil ang gold ay yaman at ang coins ay sumisimbolo sa maliit na tubo. Ang gold sa mga barya ay mga makalumang paraan ng pagpapayaman tulad ng pagiging kuripot, maramot at sobrang masinop.
Ang susi naman ay isa sa mga laws of success na magagamit ng tao para matupad ang kanyang mga ambisyon. Ikaw ay binabalaan ng iyong panaginip na puwede itong magamit ng mga pekeng treasure hunter para mapaniwala ka at sa huli ay maloko at magsisisi ka.
Kaya mag-ingat ka at dapat ay matalas ang iyong pakiramdam at isipan upang hindi ka mapabilang sa napakaraming nabiktima ng mga fake treasure hunters na nagkalat ngayon.
Pero kung ang gagabay sa iyo ang mga nasabi na sa unahan na kahulugan ng iyong mga napanaginipan, malinaw na ikaw ay yayaman. Muli, yayaman ka sa negosyo gamit ang mga makalumang paraan na nabanggit na natin sa itaas.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments