Titser nahulog sa motor, nasagasaan ng SUV, patay

Dedo ang 25-anyos na guro makaraang mahulog mula sa pinag-aangkasang motorsiklo sa Sariaya, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Julia Jimenez na dead-on-the-spot sa kahabaan ng national road sa Bgy. Talaan Aplaya.
Batay sa imbestigasyon ng Sariaya Municipal Police, nakaangkas ang biktima sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang kapatid patungong Lucena City pasado alas-12:00 ng tanghali ng Huwebes.
Isang mini-tanker umano na nasa kabilang linya ang iniwasan ng motorsiklo habang ito ay mabilis na nagpagewang-gewang sa kalsada at sasalubong sa kanila.
Gayunman, sa pagpihit ng motorsiklo para makaiwas sa salpukan sa mini-tanker ay biglang nahulog ang biktima sa pagkakaangkas nito at napailalim sa SUV na nakasagasa sa kanya.
Mabilis umanong tumakas ang sasakyan na subject ngayon ng pagtugis ng mga awtoridad.





Comments