top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Teenager na holdaper, tiklo

  • Maeng Santos
  • Nov 23, 2019
  • 1 min read

Kalaboso ang 18-anyos habang nakapuslit ang dalawa nitong kasabwat matapos mangholdap at mamamaril na naging dahilan upang tamaan ng ligaw na bala ang isang menor-de-edad sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Carlito Gaces ang naarestong suspek na si Mark Anthony Jugan, ng Tugatog St., Bagong Barrio, Caloocan City, habang pinaghahanap pa ang kanyang mga kasapakat na sina Mark Lester Gregorio at alyas Mang Natz.

Sa tinanggap na ulat ni Col. Gaces, ala-1:30 ng madaling-araw, naglalakad ang biktimang si Christopher Alura, 26, sa San Guillermo St., Bgy. Karuhatan nang harangin siya at tutukan ng isa sa mga suspek ng patalim sabay pahayag ng holdap.

Kinuha ng mga suspek ang bag ng biktima na naglalaman ng personal na gamit, P310 cash at tinangkang agawin ang hawak niyang cellphone subalit, nang mapansin ang papalapit na mga bystander ay mabilis na nagpulasan ang mga holdaper.

Habang tumatakas, nagpaputok ng baril ang isa sa mga suspek na naging dahilan upang mahagip ng ligaw na bala sa kanang hita ang 13-anyos na binatilyo na isinugod sa Valenzuela Medical Center habang nakorner naman ng mga rumespondeng pulis si Jugan, samantalang, nakatakas ang dalawang kasabwat nito.

Kasong robbery at serious physical injury ang isinampa ng pulisya kontra sa naarestong suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page