top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Relasyon, hinarang daw kaya 'di nagkatuluyan… Nabulgar: Jhong, mas unang minahal ni Vice kesa ka

  • Ronalyn Seminiano
  • Nov 23, 2019
  • 2 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

'Kalokah ang ganap sa It’s Showtime nu’ng Nov. 21. Sa segment kasi na Tawag ng Tang­halan, after kumanta ng Resbaker na si Dominador Alviola, naungkat ang past relationship nina Vice Ganda at Jhong Hilario.

Nu’ng una ay si Dominador ang ino­okray-okray nina Vice, Jhong at Vhong Navarro. Sa interview portion, after kan­tahin ng contestant ang That Wonderful Sound by Tom Jones ay nabanggit ni Domi­nador na sobra siyang nadala ng kanta dahil aniya, “Kasi parang nagsu­sulatan lang, tapos magkikita ulit.”

Biglang tumingin si Vhong kay Vice at sinabing, “Uy, sulat-sulat… kasi kayo (Vice at Ion), text-text lang, eh.”

Resbak naman ni Vice kay Vhong, “Ba’t laging kami? Ba’t ‘di dito pag-usapan ‘yung buhay mo?”

Sagot naman ni Vhong, “Alam mo, Vice, ‘wag mo nang pag-usapan ang bu­hay ko. Masaya na ko, eh. Gusto ko ‘yung buhay mo dahil ikaw ay sumasaya nang sumasaya nang sumasaya.”

Hirit naman ni Vice, “Masaya ‘ko na masaya ka,” at biglang baling kay Jhong, “Ikaw? Masaya ka ba nu’ng nalaman mong masaya na ‘ko sa piling ng iba?”

Sinabi ni Jhong na dapat lang naman daw siyang magsaya dahil kasama siya ni Vice nu’ng may mga pinagdaraanan ang gay host. Dahil dito, biniro ni Vice si Jhong at tinawag na ‘chaka’ at nagulat si Vice sa naging reaksiyon nito.

Ani Jhong, “Kahit na sinasabi mo ‘yan, alalahanin mo… minahal mo ‘to!”

Revelation naman ni Vhong, “Kaya pala! Una, si Teddy, tapos si Jhong!” at biro ni Vice, “‘Di ba, magkakamukha sila!” at baling ulit kay Jhong, “Napaka­yayabang n’yo! Oo, naririnig ko ‘yung kanta na ‘yan (Don’t You Remember by Usher) at ‘pag naririnig ko ‘yung kanta, wala akong ma­gawa kundi balikan ‘yung mga alaala na iniwan mo sa wala!”

Sabi naman ni Jhong, “Iniwan ko sa wala? Alalahanin mo, may humadlang… kaya hindi natuloy.”

Hamon naman ni Vice, “Sino? Sino’ng humadlang? Sabihin mo?”

Biglang sabi ni Jhong, “Direk! Direk Bobet, walang personalan, trabaho lang.”

At sey naman ni Vice, “Kasalanan mo ‘to, Direk Bobet (Vidanes)! Kung hindi mo kami hinarang, di mayor na ‘to (Jhong) ngayon!” kulitan ng It’s Showtime hosts.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page