top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

P-Digong, suko na sa EDSA

  • Mylene Alfonso
  • Nov 23, 2019
  • 1 min read

Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na kulang na ang mga natitirang taon sa ilalim ng kanyang administrasyon upang masolusyunan ang problema at mapaayos ang EDSA.

Sinabi ni Pangulong Duterte na hindi na kakayanin pa na matapos ang anumang proyekto sa EDSA kung ngayon pa lang ito sisimulan.

Nabatid na pag-upo pa lamang niya bilang pangulo ay agad umano siyang sinabihan ng mga economic managers na kailangan ng maraming pondo para maayos ang dating Highway 54 pero, ito aniya’y inintriga na ng ilang mga senador sa pagsasabing makukurakot lang ang pera sa pagsasaayos sa EDSA.

“Alam mo, ganito. Nandiyan man sila ano. Six years ago na-presidente ako. Sabi ng mga economic planner ko, ‘You would need money to fix EDSA’,” ani Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa Taguig City.

“Nu’ng pag-ano pa lang — pag-mention pa lang doon mga senador nagsabi, ‘Ah, malaking pera ‘yan. Makurakot lang ‘yan’. Narinig ko. Eh, ‘di sabi ko, ‘Huwag na. Sige na. Let EDSA rot’. P***** i** kayo. Sige. Kung ganu’n tingin n’yo sa akin,” ani Pangulong Duterte.

Huli na ang lahat aniya kahit ipagkaloob sa kanya ngayon ang emergency powers gayung tiyak na mabibitin lang at hindi na matatapos ang proyekto sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Tiniyak ng pangulo na gagamitin itong bala ng kanyang mga kalaban para siya mapulaan at palabasing may iniwan siyang tenggang proyekto sa pagtatapos ng kanyang termino.

“Ngayon, two years na, nu’ng nabasa ninyo, narinig n‘yo, ‘We are ready to give the...’ B***s***. B***s*** kayo. Alam mo bakit? Two years na lang. Anong magagawa ko sa two years? Mag-iiwan ako ng mga projects na hindi talaga matapos,” dagdag pa ng Chief Executive.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page