top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

LPG sa butane canister, bawal — DOE

Gina Pleñago
Nov 23, 2019
1 min read

Photo: pia.gov.ph

Mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang pag-recycle ng mga single-use butane canister sa mga negosyante na ilegal na sinasalinan ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) dahil sa panganib sa publiko.

Ang panawagan ng Department of Energy ay sanhi ng pagkakasakote kamakailan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Iloilo Provincial Police Office (IPPO) sa dalawang tao sa isang checkpoint at nasabat ang kontrabando na 1,055 butane canisters na nilamanan ng LPG.

Ayon sa DoE, ang mga butane canister ay pang-isahang gamit lamang at hindi akma na paglagyan ng high-pressured LPG.

Nitong Oktubre 30, isang public hearing ang ginawa ng Iloilo Sangguniang Panlalawigan (ISP) para sa pagbuo ng ordinansa sa pagkontrol sa industriya ng LPG at pagsawata sa mga ilegal na negosyante sa probinsiya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page