Chinese pharmacist, lagot.. Nag-imbento ng vape, patayin! — P-Du30
- Mylene Alfonso
- Nov 23, 2019
- 1 min read

Nagbiro si Pangulong Rodrigo Duterte na papatayin ang nag-imbento ng vape.
Sa talumpati ng Pangulo sa Center for Elderly sa Taguig City, muli itong nagbabala sa publiko sa panganib na dulot ng vaping.
“Ewan ko kung sino bang demonyo nag-imbento ng vaping na ‘yan. Pinapahanap ko nga. I-extrajudicial killing ko ‘yang gagong yan,” ayon sa Pangulo.
“Totoo. Magpunta ‘yan dito, saan ang pulis? Patayin mo ‘yang p*****-ina,” dagdag nito.
Ang Chinese pharmacist na si Hon Lik ang itinuturong nasa likod ng imbensyon sa modern e-cigarette.
Ang biro ng Pangulo ay sa gitna ng kanyang kontrobersiyal na utos na ipagbawal ang importasyon ng vape at ipahuli ang mga gumagamit nito sa pampublikong lugar.
Kahit wala pang written order, sinimulan na ng Philippine National Police ang paghuli sa vapers.
Nilinaw naman ng PNP na hindi naman nila ikukulong ang mga mahuhuli at isasailalim lang sa police blotter.








Comments