Budget sa mga proyekto ng Gobyerno, tinitipid para maibulsa
Umatras si P-Digong kontra sa rice importation.
Nag-uulyanin na!
◘◘◘
NASUNOG ang isang eroplano ng PAL mula U.S. patungo sa Maynila.
Ligtas ang lahat ng sakay matapos maka-landing.
Salamat sa Diyos!
◘◘◘
BAKIT hindi kinokober ng media ang mga potential gold medalist sa SEA Games?
Puro na lang kasi sila kaldero!
◘◘◘
WALANG sumasaklolo sa Cagayan na lubog sa baha.
Nakikiramay po kami!
◘◘◘
PAPASOK na ang Disyembre.
Paskong tuyo sa Mindanao at Cagayan!
◘◘◘
WALA nang balita sa tokhang.
Demoralisado na ba ang hanay ng kapulisan?
◘◘◘
MALAKI ang kanilang budget, pero ayaw gastusin ng mga opisyal ng gobyerno.
Anong modus ini?
◘◘◘
KAKAUNTI ang nakauunawa ng iskema sa budgeting.
Ito ay modus ng mga korup.
Ibig sabihin, kapag hindi nagastos ang nakalaang budget, idedeklara itong “savings”.
Dahil may “savings”, iko-convert ito kahit anong klase ng pagkakagastusan!
◘◘◘
ANG modus sa “conversion of funds” ay talamak sa lahat ng ahensiya ng gobyerno.
Isang klase ito ng korupsiyon na nakalulusot, taun-taon!





Comments