top of page
Pokwang.jpg

5 pakarera sa KDJM racefest

Ding Taboy
Nov 23, 2019
1 min read

RENDA at LATIGO

Matutunghayan ng Bayang Karerista ang pag-alagwa ng 5 malalaking karera sa Klub Don Juan De Manila Racing Festival bukas sa Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) Malvar, Batangas.

Ito ay kinabibilangan ng Don Juan Derby na may distansiyang 2,000 meters; susunod ang KDJM Golden Girl Stakes Race na may 1,800 meters distance, bibitawan din ang KDJM Juvenile’Fillies’ Stakes Race na may distansiyang 1,400 meters at KDJM Juvenile ‘Colts’ na paglalabanan ang distansiyang 1,400 meters at KDJM –Magic Million Australia Stakes Race.

Mahigpit na magkakatunggali ng anim na kalahok sa Don Juan Derby sa pangunguna ng Chance The Racer, Change the World, Joyous Solution, Miss Campbell, Shanghai Grey at War Commander.

May nakalaang papremyo sa 1st place na P900,000 habang sa 2nd place ay tatanggap ng P337,500, samantalang mag-uuwi ang 3rd place ng P187,500, at pagkakalooban ng P75,000 bilang 4th place.

Mahigpit na magtutunggali ang mga kalahok ng KDJM Golden Girl Stakes Race sa pangunguna ng Princess Eowyn, Certain To Win, Matriarchal, Sooner Time, Trust Me at Weemissjeree Tatanggap ng P300.000 ang mananalo habang P112,500 ang 2nd place, 3rd place ay P62,500 at mag-uuwi ng P25,000 ang 4th place.

Ang KDJM Juvenile ‘Colt’ Stakes Race, na pangungunahan ng Bulwagan, Four Strong Wind, Noon Bell, Puro Asset at Spandau Ballet.

Naghihintay ang P500,000 bilang guaranteed prize sa unang makatatawid sa finish line.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page