Singer, out sa Christmas Station ID, pumalag… Netizens kay Jed: Mas maraming sikat sa 'yo na wal
- Beth Gelena
- Nov 22, 2019
- 2 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Lumabas na ang bagong Christmas Station ID ng Kapamilya Network titled Family is Forever.
Ang tatlong judges ng The Voice Kids na sina Lea Salonga, Bamboo at Sarah Geronimo ang kumanta ng theme song.
Ani Lea sa kanyang social media post, “Bamboo and I aren’t in a video much (except at the end… Sarah is in more than we are), but all our voices are very present. It was fun looking back at the previous station IDs, and singing them too!”
Ani Jed sa kanyang Facebook account, “Oh wow! They shot the station ID already????”
Sagot si Leah, “Yes.”
“I didn’t know,” reply uli ng batikang singer.
Nagulat ang Broadway singer-actress, hindi raw niya alam na wala si Jed sa Christmas Station ID. Sinabi pa niyang baka raw out of the country si Jed. Pero ani Jed, wala siyang natatanggap na message o tawag man lang mula sa ABS-CBN staff.
Sabi naman ng mga netizens, “Jed, ang daming wala na mas sikat sa ‘yo, ang dami mong sinasabi.”
Reaksiyon naman ng iba, wala raw sa kasikatan ‘yun ng mga artista.
“‘Di sila masyadong visible dahil focused sa mga love teams kesa sa veterans, pamparami siguro ng views.”
Eto pa ang ibang paliwanag na concerned sa kikitain ng network.
“Sa dami ng artists sa ABS, ang inilalagay talaga sa Station ID ay ‘yung merong current shows & big stars lang.”
“‘Di ‘yan sa talent, business pa rin sila. Kung sino ang nagdadala ng limpak-limpak na salapi, ‘yun ang stars para sa kanila.”
“They have been in the industry na for so long. Mas magandang bigyan ng chance ang mga baguhan nang ‘di naman puro same old ang napapanood mo sa ABS-CBN.”
Isang netizen ang pinalilipat na lang si Jed sa kalabang istasyon ng ABS-CBN tutal naman daw, hindi siya appreciated ng Dos. Hindi nga raw dapat Family is Forever ang title ng kanilang Christmas Station ID. Ang dami raw kasing mga artistang Kapamilya na wala sa frame.
“ABS-CBN, please alagaan n’yo naman at bigyan ng importance ‘yung mga totoong may talent sa network n’yo!! Sad to see, mas na-overpower na ng mga batang baguhang love teams, not only the station ID but also the shows!”
Well, sa dami ng artista sa ABS-CBN, hindi na siguro napansin ng people behind that Station ID ang ibang talents.
Anyway, kahit wala naman sila sa nasabing Christmas Station ID, as long as kinukuha pa rin ng Kapamilya Network ang kanilang serbisyo, ibig lang sabihin nu’n ay naaalala pa rin sila.
Though hindi rin naman sila masisi kasi bilang mga artists, moment na nga rin naman na nakikita nila ang kanilang sarili na kasama ang mga big bosses ng network kahit once a year on TV nationwide.





Comments