top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Mayor Halili, wa’ ‘epek sa Batangas, mga ilegalista, todo-enjoy sa raket

Pabs Hernandez III
Nov 22, 2019
1 min read

SPEAKER CAYETANO, SINOPLA NI P-DUTERTE SA TERM-SHARING — Sinopla ni P-Duterte ang nais ni Speaker Alan Peter Cayetano na wala nang term-sharing kasi ayon sa pangulo, dapat masunod ang napagkasunduan nilang term-sharing ni Marinduque Rep. Allan Lord Velasco sa pagka-Speaker ng Kongreso.

Dahil nagsalita na ang pangulo, siguradong pagsapit ng Oct. 2020, mag-e-‘evacuate’ na si Speaker Cayetano sa pagiging bossing ng Kongreso, period!

◘◘◘

KORUPSIYON SA SEA GAMES, TOPIC NA RIN SA BUONG MUNDO? — Ang halos P55 milyong kaldero (cauldron) ay usap-usapan ng lahat kung saan sobrang viral na ito sa social media.

At siyempre, dahil ang social media ay ‘channel’ para magkaroon ng ugnayan ang mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo, tiyak na usap-usapan na rin ng mga netizen sa buong mundo ang ‘korupsiyon’ diumano sa SEA Games.

Okay lang maging ‘topic’ worldwide dahil pang-internasyonal naman talaga ang SEA Games, pero sana positibo ang mga sinasabi o pinag-uusapan at hindi tungkol sa garapalang korupsiyon, boom!

◘◘◘

MGA MANRARAKET SA TANAUAN CITY, WALANG TAKOT KAY MAYORA ‘SWEET’ HALILI — Noong panahon ni yumaong Mayor Tony Halili ng Tanauan City sa Batangas ay walang ilegalistang makapanraket sa lungsod dahil takot sila sa alkalde.

Pero ngayong panahon ng kanyang anak na si Mayor Angeline “Sweet” Halili, may raket na raw na color games at drop balls sa lalawigan sina “Eric” at “Francia”.

Dahil d’yan, lumalabas na ang mga ilegalista sa Tanauan City ay walang takot sa anak ni Mayor Tony Halili, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page