top of page
Pokwang.jpg

Mabuang at Alburo, pinagkampeon ang UST sa UAAP ’82 Table Tennis

VA
Nov 22, 2019
1 min read

Dobleng titulo ang inangkin ng University of Santo Tomas makaraang magkampeon sa men’s at women’s division ng UAAP Season 82 Table Tennis Tournament noong Miyerkules sa Blue Eagle Gym.

Nanaig ang Tigresses laban first-time finalist Ateneo de Manila upang makamit ang titulo sa kababaihan.

“Ang pinaka-aim ng UST is mag-champion both men’s and women’s. And the women’s they did not let it go; fight pa rin sila kahit lamang na ‘yung kalaban,” pahayag ni UST coach Lorinda Wadjad.

Ngunit hindi naging madali ang panalo para Tigresses. Ganap nila itong nakamit matapos ang 14-12 na panalo ni Danica Alburo kontra kay Lady Eagles Kathleene Bulaquena sa 5th set ng deciding singles match.

Tila hihirit pa ng Game 3 ang Ateneo matapos makalamang, 2-0 sa pamamagitan nina Rookie of the Year Kaela Aguilar at kapwa rookie Ann Borbon kasunod ng panalo ni Aguilar kay Sherlyn Gabisay at ni Borbon kontra kay Ciara Derecho.

Agad naman itong pinigil nina Leigh Villanueva at Emery Digamon nang ipanalo nila ang Tigresses sa doubles match, 12-10, 11-7, 5-11, 11-8.

Sa kanyang ipinakitang pamumuno, nagwagi ang sophomore team captain na si Gabisay bilang Most Valuable Player.

Kinumpleto ng kanilang men’s squad ang twin kill matapos talunin ang National University, 2-1 sa kanilang best-of-three Finals.

Dahil sa naitalang back-to-back championships, umabot na sa 28 ang kabuuang titulo ng Tiger Paddlers. Si graduating senior Reymark Mabuang na siya ring itinanghal na Season MVP ang tumapos ng ikalawa at ikatlong ties para pangunahan ang UST sa pagsungkit ng titulo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page