Importasyon ng bigas, tuloy — DA

Mag-aangkat pa rin ng bigas sa ilalim ng umiiral na Rice Tariffication Law sa kabila ng naunang mga anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais nitong suspendihin ang rice importation.
Paliwanag ni Agriculture Secretary William Dar, nakausap na niya si Pangulong Duterte at nilinaw nitong hindi naman ipinatitigil ang pag-aangkat ng bigas.
Sinabi ni Dar na layon ng rice importation na matiyak na makasasapat ang suplay ng bigas sa bansa.
Tinataya ng kalihim na ngayong katapusan ng 2019 ay aabot lang sa 18.48 million metric tons ang lokal na produksiyon ng palay o katumbas ng 12.09 million metric tons na bigas. Nasa 85% lamang umano ito ng 14.42 million metric tons na kailangan ng bansa kada taon.
Sinabi ni Dar na nasa 3.72 million metric tons o 26% ng kabuuang kailangang suplay ng bansa ang iniaangkat.
“By the end of the year, mataas po ang inventory natin,” ayon kay Dar.





Comments