top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Dagdag-trabaho, bawas-trapik sa Kamaynilaan.. Call centers sa probinsiya

Mylene Alfonso
Nov 22, 2019
1 min read

Dinudumog ng iba’t ibang foreign firms at International Business Process Outsourcing (BPO) ang Palayan City sa Nueva Ecija.

Ang pagdami ng mga dayuhang kumpanya sa nasabing probinsiya ay dahil na rin umano sa walang trapik, maganda, maaliwalas, tahimik, kumpleto sa accommodation, mura, sariwa at masarap ang mga bilihing pagkain.

Kamakailan nang i-welcome ni Palayan City Mayor Rainne Cuevas ang mga opisyal ng Sutherland Corp., isang Global Process Transformation Company na may 20,000 empleyado.

Nagpapasalamat naman ang mga mamamayan dahil napili ng mga duyuhan ang kanilang lugar para sa kanilang Global Operation. “Malaking-malaking tulong po ito sa aming employment, hindi lang dito sa Palayan City maging sa buong Nueva Ecija.” ani Cuevas.

Sa ngayon, may tatlong international BPO na sa Palayan City, kabilang ang Beeman Solutions, Inc. at ang isang sikat na online shopping sa Amerika.

Nasa mahigit sa 1,000 Novo Ecijanos ang nagtatrabaho bilang call center agents at inaasahang sa susunod na taon ay mahigit sa 2,000 empleyado pa ang kakailanganin ng mga naturang kumpanya.

Samantala, kung magpapatuloy ang pagdami ng call centers sa iba’t ibang lalawigan, hindi lamang trabaho ang maibibigay kundi mababawasan din umano ang trapik sa Kamaynilaan. Inaasahang mas pipiliin ng mga manggagawa na manatili sa probinsiya sa halip na makipagsiksikan sa lungsod.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page