Aprub na sa tracksters ang 30th SEAG NCC stadium, Tarlac
- Gerard Arce
- Nov 22, 2019
- 1 min read

Hatid ay ang mapabuti at mapagaan ang kalidad ng laro ng pambansang koponan ang pangunahing layunin ng isang kumpanyang handog ay makabagong ideya pagdating sa training at competition performance ng mga Pinoy athletes.
Malugod at kuntento ang pambansang atleta, coaches at sports officials sa pagkakatatag ng mga pasilidad na itinayo sa loob ng New Clark City Stadium na ang layon ay maging maayos at mapabuti ang pag-eensayo ng pambansang koponan, higit na ang athletics team na naghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games sa bansa simula Nob. 30-Dis 11 sa iba’t ibang panig ng Luzon.
Ang pinakamabisa at pinaka-epektibong construction team ng mga competition track, warm-up track at athletic performance gym sa NCC Stadium sa Capas, Tarlac na E-Sports International ang nabigyan ng pagkakataon na makapareha ng lead developer na MTD Philippines para maniobrahin ang 14,000 sq-meter na competition track. “It’s very inspiring to hear that the facilities we installed are making favorable impact to our athletes,” wika ni E-Sports International president Audris Romualdez sa lingguhang PSA Forum sa Amelie Hotel sa Maynila. “We worked diligently to provide tracks and gym facilities that meet the highest quality standards and can match Olympic venues nationwide. By providing world-class facilities, our athletes are able to leverage on tools that will help them excel in their sport and unlock their full potential,” dagdag nito kung saan kasama niya si E-Sports General Manager Pam Romualdez.





Comments