2 titser na tulak, kulong
- BULGAR

- Nov 22, 2019
- 1 min read

Arestado sa magkahiwalay na buy-bust operations ang dalawang guro dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga.
Kinilala ang mga suspek na sina Rashid Diez Amerkhan, 32, at Melody Joy Luz Momo Jabiles, 32.
Sa panayam kay Police Major Michael Uyanguren, una nang nahuli si Rashid noong 2006 dahil din sa pagbebenta ng droga pero, nakapagpiyansa ito.
Karamihan umano sa mga parukyano ng suspek ay mga bading at babae na nagtatrabaho bilang escorts at ang iba naman ay mga estudyante.
Gayunman, mariing pinabulaanan ni Rashid na sa kanya ang mga nakuhang droga.





Comments