top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Utos ni P-Duterte.. Magbe-vape, arestuhin

Mylene Alfonso / Jeff Tumbado
Nov 21, 2019
2 min read

Ipinaaaresto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga magbe-vape sa pampublikong lugar.

Kasabay nito ang kautusan sa Bureau of Customs na ihinto na ang pag-import ng mga vape o electric cigarette.

Ayon sa pangulo, toxic ito at hindi maganda sa kalusugan ng publiko.

“Now, itong vaping sabi nila is electronic. Don’t give me that s***. Better stop it because sa — I will order your arrest if you do it in a room. I am now ordering the law enforcement agencies to arrest anybody — anong tawag niyan? — vaping in public. That is like smoking,” sabi ni P-Duterte.

“I will ban it. I will ban it, the use and the importation. I hope everybody is listening. Paki-relay na lang. You know why? Because it is toxic. And the government has the power to issue measures to protect public health and public interest,” saad pa ng Pangulo.

Binigyang-diin ng Pangulo na naglalaman ng kemikal na mayroong hindi matukoy na epekto sa katawan ang mga vape.

Nabatid na maging ang mga Surgeon General sa Estados Unidos ay nagpahayag na nagiging sanhi ito ng cancer.

Kamakailan lamang, napaulat ang isang 16-anyos na babae mula sa Central Visayas ang nagkaroon ng sakit na electronic cigarette or vaping-associated lung injury (EVALI) makaraang makaranas ng hirap sa paghinga.

Batay sa ulat ng Department of Health, may isang milyong Filipino ang gumagamit ng e-cigarettes. Nnilinaw naman ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac na tanging ang mga gagamit ng vape ‘in public’ ang aarestuhin ng mga pulis.

Ayon pa kay Banac, kung may local ordinance patungkol sa vape ang isang lugar, mapapatawan pa ng karagdagang multa at parusa ang lalabag. “Wala namang kulong, ipaba-blotter lang at kukumpiskahin ang items.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page