Pag-import ng bigas, stop
- Mylene Alfonso
- Nov 21, 2019
- 1 min read

Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na opisyal na niyang ipinag-utos kay Agriculture Secretary William Dar na pansamantalang ipatigil ang importasyon ng bigas upang bigyang-daan ang panahon ng anihan sa bansa.
Gayunman, iginiit ng pangulo na hindi niya maaaring bawiin ang Rice Tarrification Law.
Sinabi ng pangulo na bagama’t, nakatutulong ang batas upang hindi magkulang sa bigas ang mga konsiyumer, labis naman itong nakasasama para sa mga magsasaka.
Aniya, maaari namang bilhin ng gobyerno ang lahat ng ani ng mga magsasaka kahit sa mataas na farm gate price upang magkaroon ng resulta ang kanilang mga pinagpaguran.
“Kung gusto talaga nating walang problema, bilhin lahat ng producer-farmers. Bilhin. Ngayon mahal, farm gate nila, babawi sila, hindi na bale, gagastos tayo, bilyon, bilhin natin,” ani Pangulong Duterte.
“Palugi tayo, para ‘yung mga farmer, may resulta sa pawis nila. Sinong nalugi? Wala, tayong mga Filipino. Bibilhin natin lahat ‘yan. Tapos dagdagan natin kasi kulang talaga,” sabi pa ng Pangulo. Matapos nito, maaari umanong dagdagan na lamang ng gobyerno ang suplay ng bigas sa mga palengke gamit ang imported na bigas dahil talagang magkukulang ito kapag ang aasahan lamang ay ang ani ng mga lokal na magsasaka.





Comments