top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Mr. Solon, absenero na, tamad pa, kaya hanggang tawa lang ‘pag ininterbyu

Pasaway Spotted
Nov 21, 2019
2 min read

Ms. Dee / Pasaway Spotted

Nakalulungkot na may mga taga-gobyerno ang “magugulang” at nakapang­hi­hinayang bigyan ng suweldo.

Paano ba naman, papa­sok sa opisina, kung anu-ano ang gagawin at paikut-ikot lang at uuwi na kapag tapos na ang oras ng trabaho. Sarap ng buhay, ‘di ba? At hindi naman barya lang ang sahod ng mga opisyal!

Tulad ng isang mamba­ba­tas na ayon sa ating pasa­way spotter ay nagpapakita lang sa plenaryo kapag may sesyon pero mawawala na rin agad makalipas ang ilang minuto.

Kaya kadalasan kapag may botohan ng mahalagang panukalang-batas, hindi siya nakakasama sa pagboto. At mahahalatang walang alam sa mga tinatalakay na usapin sa kapulungan kapag tina­nong na ng mga mamama­hayag at tatawa lang pero hindi sasagutin.

Ang sabi, hindi lang naman ang mambabatas ang may ganu’ng diskarte dahil kahit ang iba niyang kasa­mahan ay mas malala pa ang pag-absent!

Mahirap namang pag­bigyan na lang ang mam­ba­batas sa katamaran niya. Pero may mas malala pa pala at nabulunan ang ating spotter nang malamang iisang panukalang-batas lang ang kanyang naihain sa Kongreso!

Huwatttt??? Manganga­lahati na ang 18th Congress, wala pa ring naidagdag sa proposed bill nito?

Ang panukalang-batas na naihain nito ay tungkol sa panukalang pondo ng national government. Wala rin siyang co-authored na bills at sa tatlong komite lang siya mi­yembro pero hindi nakikitang dumadalo sa mga pagpupu­long.

Puwede bang bawiin ng mga nasasakupan niya ang mga boto sa kanya? Lugi tayo!

Sana naman ay hindi kung anu-ano ang pinagka­kaabalahan ni Mr. Solon at gawin ang mandatong trabaho niya dahil sayang ang pork barrel, este, pasuweldo sa kanya ng taumbayan!

May isusumbong ka bang pasaway na opisyal sa gobyerno? Ibulong mo nga sa akin, mag-email sa pasawayspotted@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page