top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga barangay chairman na pabida at todo-harang sa bakuna para sa polio, lagot sa DILG!

  • Isko Moreno
  • Nov 21, 2019
  • 1 min read

Nais nating pasalamatan ang Firefly Electric and Lighting Corporation na nag-donate ng Capiz lights sa Lungsod ng Maynila nitong nakaraang araw.

Ilalagay natin ang nasabing Capiz lights sa Liwasang Bonifacio, Quezon Bridge at sa kasalukuyang inaayos na Manila Metropolitan Theater.

Kapag ito ay natapos, magkakaroon na tayo ng “walking trail” o daanan ng ating mga empleyado, estudyante at publiko.

Sa kasalukuyan, nalagyan na natin ng Capiz lights ang Roxas Boulevard, Kartilya ng Katipunan, Calabash Road sa Sampaloc, Plaza Rueda at United Nations Avenue.

Sana ay patuloy ang tiwala ninyo sa Maynila upang lalo tayong maging maliwanag.

◘◘◘

NAGPAPASALAMAT din tayo sa mga opisyal ng Department of Health (DOH) kung saan binigyan tayo ng update sa isinasagawang supplemental oral polio immunization program.

Naibahagi rin ni Manila City Health Officer Dr. Arnold Pangan na mayroong ilang barangay chairmen na tila hindi nakikiisa sa programang ito. Pero ito ay agaran namang nai-report kay Secretary to the Mayor Bernardito “Bernie” Ang at ayon sa ulat, nakipagtulungan na rin ang nasabing mga barangay officials.

Iminungkahi nating iulat at magpadala ng sulat sa DILG upang maturuan sila ng leksiyon.

Nakalulungkot na may ilan pa ring pilit pinupolitika ang mismong programa ng gobyerno na mas makabubuti sa mamamayan nila. Tapos na ang halalan kaya magtulungan na tayo upang may magandang mangyari sa siyudad natin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page