Magtatayo ng sari-sari store sa subdivision, hindi na kailangan ng permit mula sa HOA
Dear Chief Acosta, Magandang araw! Nais kong malaman kung kailangan ko pa bang kumuha ng permit mula sa aming homeowners’ association kung magtatayo ako ng sari-sari store sa loob ng aming subdivision? — Lym
Dear Lym, Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Sec. 49 (k), Rule 9, Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 9904 o mas kilala sa tawag na “The Magna Carta for Homeowners and Homeowners Associations” kung saan nakasaad na:
“k. Subject to consultation and with the approval of a simple majority of the association members, allow the establishment of certain institutions such as, but not limited to, schools, hospitals, markets, grocery stores and other similar establishments that will necessarily affect the character of the subdivision/village in terms of traffic generation x x x Provided, That such prior approval shall not be necessary for the establishment of sari-sari stores, home industries and similar small-scale business enterprises within the subdivision/village classified as socialized housing;” (Binigyang-diin)
Samakatwid, malinaw sa batas na hindi na ninyo kailangan ng permit o pahintulot mula sa inyong homeowners’ association kung kayo ay magtatayo ng sari-sari store sa loob ng inyong subdivision kapag ang inyong subdivision ay itinuturing na socialized housing.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments