Cayetano, sumugod sa Senado, todo-explain sa P55 milyong kaldero sa SEA Games
Precedent o unang pagkakataon na dumalo ang Speaker ng Kamara ng mga representante sa Senado.
Labag ito sa protocol pero nagpakumbabang dumalo si Speaker Alan Peter Cayetano sa Mataas na Kapulungan!
◘◘◘
MAGKAPANTAY lang ang Senado at Kamara.
Pero kusang dumalo si Speaker Cayetano upang linawin ang isyu sa kontrobersiyal na “kaldero” ng SEA Games!
◘◘◘
INUNGKAT ni Sen. Franklin Drilon ang budget ng PHISGOC — ang organizing committee ng 30th SEA Games na magiging host ang Pilipinas ngayong buwan.
Si Speaker Cayetano ang itinalaga ni P-Digong na maging chairman ng PHISGOC!
◘◘◘
NILINAW ni Speaker Cayetano ang “mamahaling kaldero” na ikinaimbiyerna ni Sen. Drilon.
Inamin ni Speaker Cayetano na malaki ang gastos sa biennial meet kasi malawak ang naturang palaro at iniayos nang todo ang Clark City.
Pero, higit na malaki ang ginastos ng Singapore na P15 bilyon nang mag-host noong 2015!
◘◘◘
SA aktuwal, P7.5 bilyon ang badyet na hiniling para sa SEA Games, pero tinapyasan pa ito ng Senado dahil na rin sa pasimuno ni Sen. Drilon ng P2.5 bilyon.
Nadagdagan lang ito ng P1 bilyon dahil sumaklolo ang Office of the President at bukod d’yan ay nangalap ng mga sponsor ang PHISGOC para masalo ang iba pang gastusin!
◘◘◘
ANG “mahiwagang kaldero” na sinasabi ni Sen. Drilon na nagkakahalaga raw ng P50 milyon ay P45 milyon ang tunay na halaga.
Gawa ito ng National Artist for Architecture na si Bobby Mañosa!
◘◘◘
ANG “kaldero ng SEA Games” ay hindi ordinaryong kaldero na nilulutuan ng “baboy at iba pang putahe”.
Ang kalderong ito ay ‘work of art’ ng isa sa ating mga national artists kaya mahalagang bahagi ito ng ating kultura at kasaysayan!
◘◘◘
KUNG tutuusin ay priceless o hindi mapapantayan ang halaga nito.
Ang Singapore ay gumastos ng P63 milyon para sa kanilang SEA Games cauldron na hindi naman nila maipagmamalaking gawa ng national artist!
◘◘◘
Ang first-class sports facilities naman sa New Clark City ay world-class.
Malinaw na naiimbiyerna at namumolitika lang si Sen. Drilon.
Dapat ipokus niya ang isyu sa husay at galing ng mga atletang Pinoy laban sa mga dayuhan at mga turistang sasaksi sa biennial meet!





Comments