top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Bacoor pinadapa ang Valenzuela; Caloocan at Binan, nagsipagwagi

MC / Alvin Olivar
Nov 21, 2019
1 min read

Nanatili ang tibay ng Bacoor Strikers maging ng Caloocan Supremos at Binan City Luxxe White Krah para umangat ang mga ito sa standings ng Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season sa larong idinaos sa Alone Sports Arena.

Nakagawa si Gab Banal ng 23 puntos sa 4th quarter, nanatiling matibay ang laro ng Strikers kontra Valenzuela, 78-74 at pinalakas ang kapit sa 2nd place sa South Division sa 18-5 record.

Dumikit ang Supremos sa 7-2 salvo mula sa tatlong diretsong fre throws na ginawa ni Paul Sanga at iangat ang Navotas 97-96 habang ang Biñan ay sumandal sa jumper ni James Mangahas sa huling 7 segundo at gitlain ang Zamboanga, 74-72. Ito ang ikatlong diretsong panalo ng Caloocan na umangat sa 14-9 sa North division maging ang Biñan para sa South sa 9-14 na kartada. Nakapagtala si Sangang game-high 18 points, kabilang na ang limang tres, kasunod ng 15 ni DamIan Lasco, John Carlos Escalambre 14, Mark Sarangay 12 at Al Mandani 11 sa makapigil-hiningang bakbakan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page