Speaker Cayetano, tagilid magisa ng mga Senador dahil sa P55 M kaldero sa Seagames
- Pabs Hernandez III
- Nov 20, 2019
- 2 min read
TAMA ANG HINALA NI P-DUTERTE, MAKUKURAKOT ANG PONDO SA SEA GAMES—Noong una, ang gusto ni P-Duterte na mamahala sa 2019 SEA Games ay gobyerno at ayaw nito sa pribadong Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) dahil baka raw makurakot lang ang bilyun-bilyong pondo na inilaan dito ng pamahalan.
Hindi nagkamali si P-Duterte sa kanyang hinala kasi nabulgar na ang SEA Games cauldron (kaldero) na isang beses lang gagamitin sa event na ito ay ginastusan ng PHISCOG ng P55 milyon, boom!
◘◘◘
SPEAKER CAYETANO, MALAMANG MAGISA SA SENADO —Ang chairman ng PHISCOG ay si Speaker Alan Peter Cayetano.
At dahil nais ni Sen. Franklin Drilon imbestigahan ng Senado ang anomalya ng PHISCOG, d’yan na maitatala sa kasaysayan na sa lahat ng mga naging House Speaker, tanging si Speaker Cayetano lang ang makakatikim ng paggisa ng mga senador, abangan!
◘◘◘
PDEA, LABAN-BAWI SA CHINA — Noon, ang sabi ng PDEA, China raw ang top source ng shabu sa Pilipinas, pero noong Nov. 15, 2019, kinontra ni PDEA Chief Aaron Aquino ang sinabi ni VP Leni Robredo na mga Chinese ang supplier ng ilegal na droga sa bansa kasi ayon sa kanya (Aquino), hindi raw China kundi Myanmar, Laos at Thailand daw ang nagbabagsak ng shabu sa Pilipinas.
‘Anyare sa PDEA, bakit biglang naglaban-bawi sa China? Boom!
◘◘◘
MAY JUETENG NA SA CAVITE, MAY JUETENG PA SA LAGUNA—Isang “Uruga” daw nagpa-open ng jueteng sa Laguna kaya may pa-jueteng na sina “Haruta” at “Amante” sa San Pablo City; “Edu” sa Sta. Rosa City at Biñan City; “Tita” sa Calamba City; “Jason” sa 4th district; “Ocel” sa 3rd district; “Fajardo Brothers” sa 2nd district at “Toce” sa iba pang lugar sa lalawigang ito.
Sa panahon lang ni PNP-Region 4-A Director Gen. Vicente Danao nangyaring nagsulputang parang kabute mga jueteng lords sa Southern Tagalog Region kasi may pa-jueteng na si “Ariza”l sa Cavite at ngayon ay sandamakmak na rin nagpapa-jueteng sa Laguna, buwisit!





Comments