top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

PBA-PC sportswriting at photography tilt, sali na

  • ATD
  • Nov 20, 2019
  • 1 min read

Bunga na rin ng pagbabago sa pagdarausan ng laro sa pagsisimula ng PBA Governors Cup, ang PBA Press Corps Sportswriting Contest ay iniatras sa Nob. 24 sa Smart Araneta Coliseum.

Kasunod ng pagbabago sa petsa, nagpasya rin ang grupo na palawigin ang deadline ng pagsumite ng entries hanggang Nob. 21 at first come, first served basis lamang.

Tanging ang mga college at senior high students ang kuwalipikadong lumahok at bawat school ay pinapayagan ang dalawang writers at isang photographer na entry.

Ang pagkakaroon ng photography category sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng kompetisyon ay kasabay na rin ng 25th anniversary celebration ng contest na unang idinaos noong 1994.

Kailangang magsumite ang mga kalahok ng valid school IDs at dapat bonafide member/staff ng naturang school publication.

Ang cash prizes ay igagawad sa panalo ng bawat kategorya.

Sa detalye, kontakin si Ms. Hazel Ancheta ng PBA office, 09568717835.

Ang sportswriting at photo seminar ay gagawin sa contest proper ng 2 p.m. Magsisimula ang registration ng 1 p.m. sa South gate ng Araneta Coliseum.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page