Paging mga fans, totoo 'yan at hindi edited… Maine, join na sa dinner ng pamilya ni Arjo
Nitz Miralles / Bida

Photo: @sylviasanchez_a
May naniniwala pa rin pala na edited ang photos na ipinost ni Sylvia Sanchez na kasama sa family dinner nila si Maine Mendoza.
Last Sunday ang dinner, the day after bumalik si Maine from Dubai kung saan nagkaroon ng show ang Dabarkads ng Eat... Bulaga!. Sinundo ni Arjo si Maine sa airport nu’ng Saturday at ‘yun, kinabukasan, kasama siya sa family dinner ng mga Atayde.
Two photos ang ipinost ni Sylvia at nilagyan ng caption na: “Fun dinner last Sunday. Sunday is famday. Love you kiddos.”
May ilang fans na naniwalang edited ang photo, pero hindi naman siguro papayag si Sylvia na mag-post ng edited pictures ng kanyang pamilya kasama si Maine.
Sa nakita naming picture, magkatabi sina Maine at Arjo na parehong nakangiti at hindi naman siguro pinilit ang aktres na makisalo sa kanila.





Comments