top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

P8.2 bilyong pondo ng office of The President, aprub

  • Mylene Alfonso
  • Nov 20, 2019
  • 1 min read

Inaprubahan ng Senado ang P8.2 billion 2020 budget ng Office of the President na inisponsoran ni Senador Christopher ‘Bong’ Go.

Una rito, tiniyak ni Go ang checks and balances sa pera ng mga taxpayers kung saan hanggang sa huling sentimo ay gagamitin para sa kapakanan ng taumbayan.

Tinukoy ni Go ang liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang tapat, transparent at corrupt-free government

Nanindigan din si Go na napatunayan na ni Pangulong Duterte ang inaasam ng mga Pilipino na isang honest leader sa pamamagitan ng tatlong main agenda nito na paglaban sa illegal drugs, corruption at kriminalidad.

Tinukoy din ng mambabatas ang ilang programa ng administrasyon na nagpapatunay na prayoridad nito ang kapakanan ng sambayanan tulad ng mas maaasahang health services.

Binigyang-diin ng senador na bilang dating Special Assistant to the President, personal niyang nakita ang commitment at dedication ng mga opisyal ng administrasyon kaya naman wala siyang duda na gagamitin ang pondo ng OP para lang sa kapakanan ng sambayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page