Mag-utol, kulong sa droga

Huli ang isang magkapatid sa buy-bust operation sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.
Nahaharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Erwin, 23, at Edwin Torres, 19, residente ng Bgy. 95, Zone 11, Pasay City.
Base sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) laban sa magkapatid sa kanilang tirahan, alas-11:55 ng gabi.
Nasabat sa magkapatid ang tatlong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 3.3 gramo na nagkakahalaga ng P22,440, walong pakete ng umano’y marijuana na may timbang na 7.6 gramo na may street value na P912 at drug paraphernalias.
Isinasailalim na sa imbestigasyon ang magkapatid na suspek habang nakakulong sa detention cell ng pulisya.





Comments