Lady Bullpups at Juniors, champ, sa ’82 volleyball

Ganap na winalis ng National University-Nazareth School ang kabuuan ng UAAP Season 82 girls’ volleyball tournament matapos kumpletuhin ang sweep ng finals series nila ng Adamson University kasunod 25-10, 25-17, 25-15 straight sets win sa Game 2 noong nakaraang Linggo sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City
Ito na ang ikalimang titulo ng Junior Lady Bullpups sa loob ng 6 na taon. “The girls did well, ginusto nila ito. This championship is all them. They played with energy, passion and everything they’ve got,” pahayag ni NU coach Regine Diego.
Namuno ang Finals MVP Evangeline Alinsug para sa Junior Lady Bullpups sa iniskor niyang 16 puntos kasunod si Season MVP Mhicaela Belen na may 13 puntos at Alyssa Solomon na may 11 puntos. Bigo namang makapagtala ng double figure ang Baby Lady Falcons sa laban. Tumapos bilang leading scorer nila si Kate Santiago na mayroon lamang 4 na puntos.Samantala sa boys division, nakamit ng National University-Nazareth School ang target na back-to-back titles matapos gapiin ulit ang top seed Far Eastern University-Diliman, 25-20, 25-20, 25-23 sa Game Two.





Comments