top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kulang sa tubig, dahilan ng almoranas

Shane M. Ludovice, M.D
Nov 20, 2019
1 min read

Dear Doc. Shane, Ako ay first time mom at habang nagbubuntis ako sa aking first baby, lumobo nang husto ang aking katawan. Napansin ko rin na tila may lumabas na kaunting laman sa aking puwit. Ang sabi ng nanay ko ay almoranas daw ito at normal lang ba ito sa mga babaeng nasa sitwasyon ko? Masakit ito lalo na kapag dumurumi ako. Meron ba akong puwedeng gawin para mawala ito? — Jen

Sagot Ang almoranas o hemorrhoids ay (mga) ugat na lumobo o pumutok sa loob na bahagi ng puwit, puwedeng external o internal hemorrhoids. Maaaring magkaroon ng almoranas ang mga buntis pero madalas ay natatanggal din ito pagkapanganak.

Ang almoranas ay lumalabas kapag mataas ang presyon sa loob ng ugat dahil sa pag-ubo, pagbahing, sobrang pag-iri kapag matigas ang dumi, gayundin kapag nanganganak.

Kapag tayo ay umiiri dahil sa matigas na pagdumi o panganganak, ang mga ugat na nakapaligid sa anus ay naglalakihan, napupuno ng blood clots at puwedeng pumutok kaya ito sumasakit.

Narito ang ilan sa mga puwedeng gawin upang maiwasan at hindi ito lumala:

  • Ugaliin ang pagkain ng maraming gulay at prutas.

  • Damihan ang pag-inom ng tubig.

  • Sikaping magkaroon ng regular na ehersisyo.

  • Kapag sumasakit ang almoranas dahil sa pamamaga, gawin ang ‘warm sit bath’ o pag-upo sa palangganang may maligamgam na tubig.

  • Magpahid ng mga anti-hemorrhoid cream o ointment, pero siguraduhing may reseta ito ng doktor.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page