Klasrum, puwede lang gawin evacuation center kung wala nang ibang choice
Dear Chief Acosta, Magandang araw! Nais kong malaman kung kailan ginagamit ang mga classrooms bilang evacuation centers tuwing mayroong disaster o kalamidad? — Glenys
Dear Glenys, Para sa inyong kaalaman, ang Section 5 ng Republic Act No. 10821 o ang “Children’s Emergency Relief and Protection Act” ay angkop sa inyong katanugan. Ayon sa nasabing batas:
“SEC. 5. Evacuation Centers. – Only in cases where there is no other available place or structure which can be used as a general evacuation center may a school or child development center be used as an evacuation center.
When a school or child development center is used as an evacuation center, gymnasiums, learning and activity centers, auditoriums and other open spaces shall be utilized first. Classrooms shall only be used as a last resort. The use of the school premises shall be as brief as possible. x x x.”
Sang-ayon sa nasabing batas, kinakailangang tukuyin ng Local Government Units (LGUs) ang mga ligtas na lokasyon para sa pagpapatayo ng mga evacuation centers sa panahon ng kalamidad. Gayunman, ang mga paaralan, kabilang ang mga child development centers ay maaaring gamitin bilang evacuation centers kung walang ibang istruktura na maaaring gamitin bilang general evacuation center. Subalit, ang gymnasiums, learning and activity centers, auditoriums at iba pang open spaces ng paaralan ang nararapat unang gamitin at ang mga classrooms ay maaari lamang gamitin bilang last resort o huling option.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments