Junior golfers, may tsansa na sa Dream Big Gold Series

Sa pagbubukas ng DreamBig Gold Series Golf Camp and Tournament sa Orchard Golf & Country Club sa Dis. 17 at 18, 2019, ang junior golfers sa bansa ay hindi lamang mahahasa nang husto ang kanilang talento sa larangan kundi puwede pa silang ma-scout ng mga world-class coaches.
Makatitipid pa sila imbes na gumastos ng malaki sa pagbibiyahe at dito na lamang sa Manila golf camps magkakaroon ng oportunidad na madiskubre ng dekalibreng coaches.
Tinawag na The Road To U.S. College Golf, ang naturang Dream Big golf camp ay magdaraos ng first-ever Future Champions Golf (FCG)-Dream Big Golf Challenger Series sa Dis. 16 at 17, isa itong qualifier para sa FCG Callaway World Championship.
Ang magwawagi sa bawat division sa Orchard tournament ay direkta nang kuwalipikado sa FCG Callaway World Junior Golf Championship 2020 na idaraos sa Rancho Mirage, California sa Hulyo 13 hanggang 15, 2020.
Ang golf coaches mula sa mga prestihiyosong eskuwelahan sa US NCAA Division 1 – UCLA (Uniersity of California – Los Angeles), Columbia University at UC Berkeley ang mamamahala sa two-day golf clinic at sa 2-day FCG Golf Tournament.
Bukas ito sa lahat ng junior golfers na may edad 12 hanggang 18, kung saan ang mga interesadong junior golfers at mga magulang ay makakapili ng lalahukang torneo at golf camp o anuman sa dalawang aktibidad.





Comments