Harden-Westbrook, nagsanib- lakas sa 64 pts. vs. T’Blazers
- MC
- Nov 20, 2019
- 1 min read

Pinagsamang 64 puntos ang nagawa nina James Harden at Russell Westbrook nang pagwagian ng Houston Rockets ang labanan sa bisa ng 132-108 laban sa bisitang Portland Trail Blazers kahapon sa NBA game sa Toyota Center.
Habang si Harden ang lumalaban hanggang sa halftime period, umiskor ito ng 23 sa may 36 puntos niya 6-of-12 shooting, nabuhay din ang dugo ni Westbrook sa second half at nakagawa ng 15 sa 28 na kabuuan, dumagdag ng 13 rebounds at 10 assists overall sa Houston at palawigin ang winning streak sa walong sunod na laro.
Lumakas pa ang mitsa ng Rockets sa pagbabalik laro ni Clint Capela at forward Danuel House Jr. Capela, na hindi nakalaro ng dalawang games dahil sa napilayan noong 4th quarter noong Miyerkules laban sa Los Angeles Clippers, at dinomina ang may 22 puntos, 20 rebounds at 4 blocks. Mula sa hindi paglalaro ng tatlong beses dahil sa pananakit ng likod, umiskor siya ng 11 puntos.





Comments