Ambassador ng SoKor, nag-courtesy call kay P-Duterte

Photo: pna.gov.ph
Nag-courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ang Ambassador ng South Korea sa Pilipinas na si Han Dong-Man.
Bitbit ni Ambassador Han ang kanyang Letter of Credence na ipinrisinta sa Chief Executive na may petsang January 17, 2018 na dito’y inilahad ng South Korean official ang kanyang mga plano na may kaugnayan sa pagpapalakas ng investment relations sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.
Kabilang sa una nang isinulong ni Han ang pagkakaroon ng “Korean Town” sa Malate, Manila sa pakikipag-ugnayan na rin sa Manila City Government.
Kasama ni Ambassador Han sa courtesy call nito sina Minister-Counselors Kim Jang Hyun at Kim Sunyoung at ilang mga negosyanteng Koreano.
Samantala, inaasahang dadalo si Pangulong Duterte sa Association of South East Asian Nations-Republic of Korea Commemorative Summit ngayong linggong ito.





Comments