top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

750 mga bata, lumahok sa PSC-AFP-PSI Cotabato

  • MC
  • Nov 20, 2019
  • 1 min read

Nabenepisyuhan ang may 750 mga kabataan sa South Cotabato mula sa isinagawang breakthrough partnership ng Philippine Sports Commission, Philippine Sports Institute at Armed Forces of the Philippines kahapon nang simulan ang grassroots sports program na tinawag na Mindanao Sports for Peace Caravan sa Bangsa Moro ARMM Sports Complex sa Cotabato.

Ang mga bata mula Maguindanao 1, Maguindanao 2 at Cotabato City ay bumilang sa 500 ang lumahok na naglaro sa mga sports na basketball, volleyball, chess, football, sepak takraw at athletics.

Ang mga national coaches at elite athletes ay mula sa enlisted military personnel na nagsagawa ng e morning training at mini-competition sa bandang hapon. “May isang panahon na kinikilala ang mga taga-Maguindanao tulad nina Asian Games medalist Tukal Mukalam at Mona Sulaiman sa pabilisan sa takbuhan. Pero matagal na nawala pati na rin sa mga kabataan dahil sa kailangan nilang tumakbo, hindi para sa kompetisyon kundi para sa kanilang mga buhay,” ayon kay BARMM-MBHTE Minister Hon. Monaguer A. Iqbal-Al-Haj.

“Nagpapasalamat kami sa PSC-PSC at AFP sa pagbibigay ng bagong direksiyon sa buhay ng ating mga kabataan na hindi na sila tatakbo para iligtas ang kanilang buhay, kundi ang pag-asa na mabigyan at matikam naman nila ang isang magandang buhay,” ayon kay BSC-BARMM Chairman Norhan Malaguiok Uka.

Pinuri ni AFP General Services Chief Colonel Taharudin Piang Ampatuan si PSC Chairman William “Butch” Ramirez sa pagsuporta sa caravan na pakay bumisita sa 17 probinsiya upang mabigyan ng edukasyon at sports ang mga kabataan upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa Mindanao.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page