Utos ng Grab.. P5 milyong sobrang singil, ibalik sa mga pasahero

Inatasan ng Philippine Competition Commission (PCC) ang kumpanyang Grab na magbayad ng P5 milyong halaga ng refund sa kanilang mga pasahero dahil sa sobra-sobrang taas nilang singil mula Pebrero hanggang Mayo ngayong taon.
Ayon sa PCC, inatasan nila ang Grab na ibalik ang sobrang singil na pasahe sa mga customers nila na nag-book sa pagitan ng February hanggang May 2019.
Kung susumahin, aabot sa P5 milyon ang sobrang nasingil ng Grab. May petsang Nov. 14, 2019 ang utos ng PCC at may 60 araw ang Grab para mag-refund.
Ayon sa PCC dapat sumunod ang Grab sa initial price at service commitments nito matapos bilhin ang Uber noong nakaraang taon.
Noong Enero 2019 pinagmulta rin ng PCC ang Grab ng P6.5 million dahil sa kakulangan ng isinumiteng datos para sa fare monitoring.
Noong October 2018 naman, pinagbayad ng P16 million na penalty ang Grab Philippines at Uber dahil sa mga paglabag.





Comments